Tuesday, August 14, 2012

EXCLUSIVE: ‘HABAGAT’ BREAKS SILENCE

Reblogged from The Professional Heckler:

FOR ALMOST THREE DAYS, the metro and several Luzon provinces reeled from heavy downpour. The flooding submerged 60 percent of Metro Manila. By Friday noon, the death toll would reach 60.
What hit us was not even a typhoon. It didn’t have a name. On Twitter, I wrote:
Weather experts described it as southwest monsoon rains. A monsoon is a wind system that brings heavy rainfall. Locally, we call it ‘habagat.’

Earlier today, ‘Habagat’ chatted with this blogger. Here’s the transcript of that exclusive interview.

Kumusta ka na Habagat?

Ok naman. Medyo nilalamig pa rin. Ikaw, kayo ‘musta?

Ay, salamat naman sa concern. Heto, may mahigit animnapung kababayan ang namatay at 850,000 ang na-displace; may sampung lungsod at munisipalidad sa Metro Manila, at anim na lalawigan ang nasa ilalim ng state of calamity, at more than 150 million pesos ang halaga ng nasirang pananim. Mabuting-mabuti naman!

Hindi ka pa galit n’yan?

Ay hindi. Ang bait-bait nga namin sa ‘yo eh. ‘Kita mo naman, all smiles pa rin kami kahit binugbog na ng dala mong ulan, baha, hangin at kung anu-ano pa. Sino ka ba talaga? Kung nagpapapansin ka, well, congrats! Tagumpay ka. Pero sana, naging ganap na bagyo ka na lang para madaling makilala.

Excuse me, hindi ako nagpapapansin. In fact, malamig ang pakikitungo ko sa inyo. But in fairness to some of your kababayan, sobrang hospitable nila sa akin.

Wehhh? Inis nga sa ‘yo ang marami eh.

I said some, not majority. Why did I say hospitable? Lunes ng hapon, grabe na ang aking ulan. Sinabihan na silang lumikas. Pero anong sagot nila, “Mababa pa naman ang tubig. Baka titila rin.” Boom! Ako naman, hala, sige, ulan. Moment ko ‘to so go lang. The rest, as the cliché goes, is history. ‘Tapos ako pa ang sisisihin ngayon?

Sige, ikaw na ang magaling. Ikaw na ang walang kasalanan.

Thank you. Pero hanga ako sa government n’yo huh. Alerto! Kahit medyo sumablay ang PAGASA sa pagbasa sa galaw ko, naitawid n’yo pa rin ang week na ‘to na walang sinisibak ang inyong Pangulo. At may Project Noah pa kayo. Impressive.

Speaking of Noah, alam mo bang kumalat sa social networking sites na may kuneksyon ka raw sa Genesis? Noong kasagsagan kasi ng ulan mo, ang petsa ay 8/7/2012. Eh ‘yong tungkol sa Noah’s Ark, mababasa raw sa Genesis 8:7-12. Anong masasabi mo?

Hiyang-hiya naman ako sa creativity n’yo… mga ulol! Kung sino mang nagpasimuno n’yan at nag-aksaya ng oras to retweet o repost, I’ll give them an A for effort – na manakot. Pero nililinaw ko, walang kakune-kuneksyon kay Noah ang aking pagdating. Mas may kunek pa ako kay Gener.

Salamat sa paglilinaw. Heto pa: dahil daw sa pending RH Bill kaya bumabaha at umuulan nang walang tigil. Is this true?

Ang tatanga! Naturingang 86.567 percent ang functional literacy rate, ‘tapos ang bobobo. Nakakainis! Ayaw ko nang mag-elaborate. Baka ma-excommunicate ako.

Hanging habagat? Mai-excommunicate? Pa’no kaya ‘yon!?

Hoy! Si Lito Lapid nga naging senador! ‘Tapos si Anne Curtis, nagkaroon ng album at nag-platinum pa! Wala nang imposible sa mundo natin ngayon!
Bahala ka na nga! Anyway, nakita mo ba ang aming Pangulo sa Muntinlupa last Wednesday sa relief operations?

Relief operations ba ‘yon? Akala ko first day ng campaign ng Liberal Party for the midterm elections.

Sobra ka naman. Lahat na lang binigyan mo ng kulay.

So fault ko? Fault kong makitang kumakaway ang napakagandang si Ms Rissa Hontiveros, ang Customs Commissioner na si Ruffy Biazon, ang dashing congressman na si Sonny Angara at ang direktor ng Tesda na si Joel Villanueva? Fault ko?

Sinabi ko bang fault mo?

Para kasing pinapalabas mong ang dumi-dumi ng utak ko. Sige, sige. Ako na ang madumi. Sige. Sabihin na nating nagkataon lang na silang apat ay kasama sa senatorial slate ng Liberal Party. Kunwari, hindi natin alam na eleksyon next year. Ok. Fine. I salute them. I admire their selflessness and their genuine desire to help the downtrodden. They are role models. Humahanga ako sa kanila!

Ang plastic mo!

Ulan, gusto mo?

Gago. Tama na. ‘Kita mo ngang ‘di pa kami nakakabangon.

Eh kasi naman nakakaduda eh. Lubog sa baha ang barangay, kasama mo ang head ng Tesda?!? Ano ‘yon, mamimigay ng scholarship? Magpa-facilitate ng training? May libreng haircut?

Again, huwag tayong manghusga. Ang importante, tumutulong sila sa mga nangangailangan.

Ang plastic mo!

Pakyu ka! Maiba ako, I’m sure nasaksihan mo ang pagbisita ng aming Pangulo sa Valenzuela.

Oo naman. Andun ulit si Joel Villanueva.

Hindi ka pa rin nakaka-move on kay Mr. Tesda?

Hahaha. May bago kasing tawag sa kanya sa Twitter eh. Presidential Shadow. O, hindi ako ang nagsabi n’yan huh. Nabasa ko lang sa Twitter.

Hanging Habagat? May Twitter?!!!??

Bakit? Si Erap nga taga-Maynila na eh. ‘Tapos si GMA, nakalaya. Wala nang imposible ngayon.

Fine! Moving on… kinilig ka ba nang batiin ni President Noy si Councilor Shalani Soledad nang magkita sila sa relief operations the other day?

Hanging habagat kinikilig? Weird.

Tarantado. Kunwari lang! ‘To naman o! Ang hirap kayang tapusin ng blog post na ‘to! Sumagot ka na lang. Please.

Ahm, let’s say, mas na-excite ang mga taong nando’n. Sigawan nga sila eh. Kilig na kilig ang mga pucha. Kakapanood ng PBB Teens, akala yata sixteen years old ang pangulo nila.

Ano sa palagay mo ang naramdaman ng dalawa?

Seriously? Well, parang ako lang. Malamig.

Sanga pala, kasabay ng pananalasa mo sa Luzon at NCR, nagtaas naman ng presyo ng kanilang mga produkto ang mga kompanya ng langis. Sa tingin mo, alin ang mas destructive? Ikaw o sila?

Helllloooo! Minamaliit mo ako?!? Kesyo nameless ako? Kesyo hindi ako naging ganap na bagyo?!? Siyempre, sila!

May mensahe ka ba sa mga biktima mo sa Pilipinas?

Nawalan lang ng tirahan, biktima na agad? ‘Di ba pwedeng ‘they had me coming’ muna? Illegal logging. Clogged drainage. Truck-truck na basurang kung saan-saan ‘tinatapon. Illegal settlers sa mga mapanganib na lugar. Kayo rin ang problema eh. Habagat pa lang ako huh. Just imagine kung naging ganap na bagyo ako.

Nagbabanta ka?

#justsaying.

Wow! Hanging habagat, huma-hashtag??!?

Magtanong ka na lang! Umaaraw na. Paalis na ako.

Ok, last. ‘Yong chopper na sinasakyan ni Pangulong Aquino patungong Central Luzon kanina, nag-emergency landing daw sa SCTEX. Any thoughts?

Alam mo, nasa Bible ’yan eh. Ang mababa ay itataas at ang mataas ay ibababa.

Gano’n? So, may kuneksyon talaga sa Bible ang chopper ng Presidente?!?

Meron.

Owwws?

Oo naman! Bakit? Sino bang kasama ng Pangulo papuntang Central Luzon kanina? ‘Yong head ng Tesda, si Joel Villanueva! May kunek ‘yon sa Bible!

Oo nga ‘noh! Ang utak mo talaga!

Hanging habagat, may utak? Kelan pa?

Ulol!
 
;