Wednesday, July 11, 2012

Ang Tawa Nang Masa (Paalam, Dolphy)

Lumaki ako sa piling ng "Home Along The Riles". 

Sa bawat pagtawa, hindi natatapos ang problema ngunit kahit papano, naiibsan ito nang ngiti at halakhak na dulot nang programa. Habang gumagawa ako noon nang aking takdang aralin, maalala ko pa na nasa harap ako nang telebisyon at nanonood nang telebisyon. Ngiti at halakhak. Ito na marahil ang pamana sa atin ni Tito o Lolo Dolphy.
Namulat ako sa buhay na hindi marangya, hindi naman dukha. Gaya nang "Home Along da Riles, sinasalamin nya ang buhay nang isang ordinaryong mamamayan na nabubuhay nang wala pa sa minimum ang sahod.Sa programang ito, inilalarawan ang buhay nang isang janitor na sumosuporta sa kanyang mga supling na ang tanging sandata ay integridad. Inilalarawan nang isang mabuting ama ang pagiging isang kaibigan.Pinapakita rin sa atin na ang buhay ay hindi lahat nang panahon, tatawa tayo. Pwede ring umiyak..
Lahat tayo ay walang sawang sinubaybayan ang kanyang talambuhay. At sa bawat talambuhay, may wakas. Paalam at salamat sa hari nang komedya.
 
;