Thursday, June 7, 2012

Si Manong Basurero


Tapon!! Basura!!



Eto ang boses na gumigising sa akin tatlong beses sa isang linggo. Si manong basurero. Sa kanyang paglilibot, nangongolekta siya nang mga basura limang piso kada plastic nang mga basura. Pagdaan nya sa amin, binigay ko ang plastic nang basura na may laman na mga plastic nang mga biniling gulay, isda at karne galing sa palengke, tatlong lata nang sardinas at corned beef, isang pares nang lumang sapatos nang kapatid ko, mga abubot na tinapon na at ang lalagyan nang shampoo na wala nang laman.

Sige pa ang sigaw ni kuya sa mga kapitbahay. Eto ay sa kagustuhan na pag-uwi nya ay may madadalang pambili ng pagkain sa lamesa para sa apat nyang anak. Katorse ang edad ng panganay, sumunod ay labing isa, isang walong taong gulang at limang taon naman ang bunso.

Limang piso kada supot nang basura. May mga ibang magbabsura pa na kaagaw nya sa kanyang hanapbuhay. Kung may mga maikakalakal sa mga laman nang basura, tulad nang mga karton, papel, plastic na lalagyan nang softdrinks o mga bagay na pwede pa nyang gamitin, nagpapasalamat na si kuya.

Minsan sya dumaan sa bahay para mangolekta nang basura, tuwang tuwa sya at sinabing

"Sir yung sapatos na tinapon nyo kasya sa anak ko. Hindi na sya magtsitsinelas pagpasok. Nilagyan na lang namin nang rugby."
Sa eksenang eto ko sila naabutan nang kapatid ko na naguusap habang inaabot ang isang plastic nang basura.

Apat na supling. Kelangan pakainin, bihisan, pag-aralin at ibigay ang araw araw na pangangailangan.

Iniisip ko tuloy kung pano nila pilit na pinagkakasya ang kita sa araw-araw na buhay.

Inisip ko tuloy kung panong nagkaroon nang milyon na dolyar at piso si Corona habang may mga pamilyang isang kahig isang tuka ang buhay na nakagisnan.
 
;