Monday, June 18, 2012

TYPHOONS!


IT’S THAT TIME of the year again. Typhoons, floods, landslides, and of course, road repairs. To guide the public, the Philippine Atmospheric Geopolitical and Astronomical Services Administration released the list of “new” typhoons. Everyone is expected to take all precautionary measures to prevent loss of lives and property. You’ve been warned!
Bagyong Koko
Nauna siyang pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Ngunit nang dumating ang isa pang sama ng panahon, si Bagyong Migz, nagbanta siyang lilisanin ang Pilipinas upang lumipat sa ibang lugar. Sa huling bulletin ng PAG-ASA, stationary lamang siya, ayaw mag-move on.
Bagyong Migz Zubiri
Minsan na ring nanalasa ngunit naudlot dahil sa pagsikat ng araw. Nagbabantang bumalik.
Bagyong Pacquiao
Puwedeng daanin sa dasal.
Bagyong Erap
Namataan ang pagkilos pakanluran, hilagang kanluran ng San Juan. Inaasahang mananalasa sa lungsod ng Maynila sa susunod na taon.
Bagyong Edwin Lacierda
Walang masyadong ulan pero mag-ingat ka sa kanyang kulog. Pikon ‘yon. Baka patulan ka.
Bagyong Antonio Carpio
Kahit tatahi-tahimik ang bagyong ito, marami ang nangangamba sakaling tuluyan siyang mag-landfall.
Bagyong Binay
May mga kabuntot na kamag-anak na bagyo. Hindi sila umaalis sa puwesto. Mahigit dalawang dekada nang nananalanta.
Bagyong Noynoy
Masamang magalit ang bagyong ito. Nakikipagsabwatan sa hangin, baha, at landslides upang maanod palayo ang kinamumuhiang tao.
Bagyong Lito Lapid
Magdamag na pinaghahandaan dahil sa inaasahang pananalanta. Walang nangyaring gano’n. Konting ulan, konting hangin, konting kulog at kidlat. In fairness, na-appreciate ng mga tao ang kanyang kahinaan.
Bagyong Ronald Llamas
Kahit murahin pa siya ng tao, at kahit ilang ulit na siyang nanalanta, hindi pa rin natitinag sa pwesto. Sobrang lakas lang ng bagyong ito.
Bagyong Tupas
Nang unang mamataan ng satellite ay inakalang malakas na bagyo. Ambon lang pala.
Bagyong Jojo Ochoa
Pasuray-suray sa kanyang dadaanan.
Bagyong GMA 
Mula sa pagiging ‘supertyphoon’ (Signal No. 4), ibinaba na siya sa kategoryang ‘simple weather disturbance.’ Gayunman, napakalaki ng iniwan nitong damage sa sampung taong pananalanta.
Bagyong Enrile
Mag-ingat sa nakaambang pagguho ng lupa.
Bagyong Lacson
Magugulat na lang ang lahat sa biglaang pananalanta. Hindi kasi siya visible sa anumang satellite. Mahusay magtago ang bagyong ito.
Bagyong Miriam
Nagngangalit na panahon ang dala niya. Tatamaan ka ng kanyang kidlat kung tatanga-tanga ka.
Bagyong Sharon
Masyadong moody ang bagyong ito. Good luck sa mga dadaanang lugar.
————————————
“When all is said and done, the weather and love are the two elements about which one can never be sure.”
          ~Alice Hoffman
 
;